...

Monday, May 21
pamamaalam.

naisip ko lang. napakatagal na rin pala ng blog ko. madami dami na ring istorya. madami dami na ring kwento. madami dami na ring drama.
kung tututusin, kung gusto mo nga namang mabasa ang kwetong pagibig ko- ang transition from one relationship to another, ang heartbreaks, ang mga lalaking nagdaan- lahat to, nasa blog.
nakakatuwang isipin na ang tagal na rin pala mula nung una kong nagsulat, unang nagkwento, unang naglabas ng sama ng loob, kasiyahan at kung ano pang emosyon. at ngayon na binabalikan ko na ang lahat ng ito, ang sarap sa pakiramdam na malaman na ang dami ko na rin palang ipinagbago. totoo nga. tumatakbo nga ang mundo.
hindi ko to sinusulat dahil balak ko ng iwanan ang mga pahinang ito. hindi ko rin yata kaya. ang mga pahinang ito ang nagsilbing labasan ng mga iniisip, dinaramdam at halos lahat lahat sa akin, at hindi magiging ganoon kadali na iwanan ang bagay na sadyang naging parte na ng aking buhay. marahil ay sinusulat ko ito dahil ngayo'y magsasara muli ako ng pahina ng libro ng aking buhay. hindi ko ito iiwan ngunit sabihin na lang natin na hindi na ko mabubuhay sa mga letrang nakasulat dito. ngayon ay muli akong magsusulat, muling mangangarap at muling kakatha ng panibagong istorya sa libro ng aking buhay.
tama. sa tuwing may nagwawakas ay may bagong nagsisimula. at eto, eto na ang simula para sa akin. simula para sa amin.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home

What if I never knew
What if I never found you
I never had
This feeling in my heart
How did this come to be
I don't know how you found me
But from the moment I saw you
Deep inside my heart I knew

Backtrack

from vien.
namimiss.
sabi ko na nga ba.
one and only princess.
hatid sundo.
bente siyete.
politickers gone wild.
morning call.
puyatan.
pet names.